APO ako ni RANDY P. VALIENTE

writings of rude, humorous, or social nature... ur way to be lost... be the guest at your own risk...

Tuesday, December 20, 2005

on post


"Mama, gising ka na. Male-late ka na sa trabaho." ang sabi ni M.C. Serge habang niyuyugyog ako sa aking pagkakahiga.
"hmmm, hayaan mo na. Ako naman manager dun ei."
Ha! ha! ha! bigla akong natawa sa nasabi ko, naalala ko kasi ung isang customer kagabi na nagwala dun sa pinapasukan ko.
"Where is the manager here?" tanong niya sakin pagkatapos namin magkaroon nang pagtatalo.
Saglit ay natahimik ako, at napasagot naman nang "Ako."
"Aaah, so u owned this place?" muli niyang tanong sa akin.
"Nope." sagot ko naman sa kanya.
"So you are the manager here, then you should know!" galit pa rin na sabi niya sa akin.
Napaisip ako... oO ( of course, i know better than you!!!)
"E, ma'am sorry na po. Computer po iyan e, hnd maiwasan na mag-hang." muli ay hingi paumanhin ko sa kanya.
Lumabas na nagdadabog ang babae at patuloy na nagsasalita hanggang sa makalabas na nang hotel.

"Miss Apple, anong nangyari dun sa customer. Hindi po ba nagbayad?" tanong sa akin nung guard.
"Oo, pero ok lang kasi nagkaroon nang problema yung computer. Meron siyang tinatayp mga 1 hour and 45 minutes na, e biglang naghang ung computer. Hindi pala siya nagsave, e wala pa naman autosave program ung mga computer na nasa labas." paliwanag ko sa guard.
"Ganun, po bah?" sambit nang guard at lumabas na nang pinto.

"Hay naku, asan na ba ung technician na matagal ko nang nirerequest sa boss ko!" sambit ko na hawak ang noo ko, sabay salampak sa upuan ko.

"Ma, gising ka na dyan. Male-late ka na talaga niyan!" muli ay gising sa akin nang anak ko.
"Hayaan mo na akong ma-late.", "Anong petsa na, ala pa bonus ko. Kakainis na." ang sabi ko sa anak ko sabay takip nang unan sa ulo ko habang ako ay nakatagilid sa pagkakahiga.

"ohummm!!!, Serge pakibukas naman ung T.V." utos ko, sabay balikwas sa higaan ko.
E2 bumungad sakin, sa Unang Hirit GMA 7 KAPUSO ay ibinabalita na si National Bureau of Investigation Director Reynaldo Wycoco deads na dahil sa kumplikasyon, 6:16 kagabi sa Manila Doctors Hospital.

ewww! yoko nang may nagluluksa sa mga panahon na ganito...
Hindi na kinaya ni Wycoco pagkatapos nang 26 days na pakikipagtunggali sa kamatayan pagkaraan na siya ay magkaroon ng massive stroke na natuloy sa pagkacomatose.

Nalungkot din naman ako kahit papaano, marami tiyak diyan sa tabi-tabi na magkukomento nang mabubuti at masasama tungkol kay Wycoco. Pero, opinyon ko naman na kahit ano pa at least siya may naiambag na dito sa kasaysayan nang Pilipinas bilang isang pinuno sa kanyang sariling pamamaraan. E cno nga ba ako kumpara sa kanya, isa lang naman akong karaniwang tao na nagpapaanod sa agos nang buhay. Mamatay ako na ang tanging magbibigay panahon para magdalamhati ay ang mga taong personal na nakilala ako... mga kamaganak at malalapit na kaibigan.

Hmmp! Kahapon lang naasar ako sa isang nagwalang kustomer at inis na din ako sa kakahintay nang bonus ko. At ngayong umaga, e2 ako nagpapalipas nang oras bago pumasok sa trabaho. Medyo tinatamad pa at walang kagana-gana.
Nagtimpla muna ako nang isang mainit na chocolate drinks sabay sindi nang isang sigarilyo at hayun doon muna ako pumuwesto sa may veranda.
Naisip ko, e ano naman kung hindi nila ako maintindihan e ganon din naman ako sa kanila na hindi ko sila kayang mapagpasyensyahan.
Napangiti ako, aba! at sarkastiko pa rin ang dating ko! he! he! he!
May attitude bah? malamang mag-say Thank You agad sila Jolina, Dingdong at Raymond sa akin ne2... nyayyy!!! wag naman sana po.

Hindi ko pa nauubos inumin ang mainit na MILO, ay tumunog na ang cellphone ko.
Nagtext c PAULO, at e2 ang message niya
"Today I take my time to thank all the people I dearly treasured. Thank You!"
Wow! nakakatouched naman. Tagal na naming walang komunikasyon, pero heto siya at hindi pa rin pala nakakalimot. Isang simpleng mensahe mula sa kaibigan, pero nakakapagpaligaya at nakakasigla. Napangiti ako, gusto ko sana sa kanya magreply sa kanyang text message pero wala naman akong load. Bihira lang ako magload kasi hindi naman ako mahilig magtext. Gastos lang ang turing ko sa pagtetext. Mamaya na lang pagpasok ko sa trabaho, itetext ko na lang cia sa chikka.

Hala! anong oras na nga pala, yari na ako ne2... sobrang late na ako.
Naisip ko, hindi bale mag-a-alibi na lang ako dun sa boss ko na matrapik...



52 Comments:

Post a Comment

<< Home